“HINDI ako sigurado kung epektibo sa isang taong katulad mo ang ganoong proseso, Jack,” sabi ni Vulther nang sabihin niya rito ang napagkasunduan nila ni Vencio. Kararating lang nito at kaagad niyang nilapitan. Naroon na sila sa tapat ng matatandang lycan. “Ngunit nagawa na natin iyon noon sa isang elgreto, Vulther,” sabad naman ni Vencio. “Pero kay Jack, walang katiyakan kung matatanggap ng kanyang katawan. Dalawa lamang ang posibleng mangyari, maaring malason ang kanyang katawan, o maaring tanggapin nito ang aking dugo. Isa siyang mortal at sensitibo ang lamang-loob. Maari niya iyong ikapahamak,” ani ni Vulther. Nanlumo si Jack. Gusto niya’ng maging kasing lakas ng lycan upang malaki ang tiyansa niya na malabanan lahat ng bampira. Kahit mapanganib ay gusto pa rin niyang subukan. “Ba