JACK… “Alona!” bulalas ni Jack. Bumalikwas siya nang gisingin siya ng tinig ni Alona na tinatawag ang kanyang pangalan. Hinahapo siya, pawisan habang nakaluklok sa kanyang higaan. Ang sama ng kanyang panaginip. Ikinakasal si Alona kay Blake pero umiiyak ito at tinatawag siya. Hindi niya malapitan ang dalaga dahil gapos siya ng mga bampira. Isa iyong masamang pangitain. Nang hindi na siya makatulog ulit ay bumangon siya. Sumilip siya sa bintana. May mga elgreto nang nagtatrabaho sa labas. Naalala niya, may usapan sila ni Haru na pupunta sa Lutareo. Saktong paglabas niya ng kanyang silid ay sinalubong siya ni Haru. “Mukhang hindi maganda ang iyong tulog,” sabi nito. Sabay na silang naglakad palabas ng akademiya. Bumuntong-hininga siya. “Tama ka, isang masamang panaginip. Ikinakasal ang