“SARA!” bulalas ni Jack nang makitang nakahiga na sa sahig si Sara. Wala roon si Bert. Nailapag niya sa sahig ang kanyang bitbit saka nilapitan ang kanyang kapatid. Ang payat nito, maputla at lubog ang mga mata. Binuhat niya ito at inihiga sa kama. Pinulsuhan niya ito. Napawi ang kaba niya nang maramdaman ang pulso nito. Kumislot siya nang bumukas ang pinto. Marahas siyang pumihit paharap dito at manghang nakatitig sa pumasok na lalaki suot ang puting kamesita at bughaw na pantalong maong. Matangkad itong lalaki at maskulado. “Sino ka?” marahas niyang tanong. “Huminahon ka, Jack, ako ito si Haru,” pakilala nito. “Haru?” Natigagal siya. Tuluyan itong pumasok at pinulot ang iniwan niyang supot sa sahig. “Nakalimutan mo na ba na gumamit ng mahika si Dyosang Ramona upang makapagbalat-kay

