Chapter Eighty-nine

2006 Words

KINABUKASAN ay maagang nagising si Jack. Tumulong siya kay Sanji sa pagbuo ng lumang mapa ng lupain ng mga patay. Makikita raw nila roon ang buong nasasakupan ng kaharian ni Haring Demetre. Naroon sila sa bulwagan at nakatutok sa gulanit na lumang mapa na nakalatag sa mahabang lamesa. Biglang lumitaw ang araw kaya hindi niya pinalabas ng akademiya si Alona. Hindi rin sila makababalik sa Lutareo hanggat may araw. Ganoon pala roon, sa tuwing tagtuyot ay napapadalas ang paglitaw ng araw at mas malapit kaya lalong uminit ang klima. “Wala pang nakapasok na ibang nilalang sa kaharian ni Haring Demetre maliban sa naunang dyosa na gumawa nitong mapa,” sabi ni Sanji hinggil sa mapa. Namangha siya sa lawak ng nasasakupan ng kaharian ni Haring Demetre. Mas malawak iyon kumpara sa siyudad ng Altere

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD