NAPASUGOD si Alona sa kuweba kung saan niya nakitang pumasok ang pamilyar na babae. Hindi siya maaring magkamali, ang babaeng iyon ang pumatay sa kanya, na paulit-ulit niyang nakikita sa kanyang panaginip. Mukha iyong elgreto, kaya iyon na malamang ang hangal na si Souljen. Dala niya ang kanyang espada. Naamoy niya ang babae, tiyak na naroon lang ito. Huminto siya sa gitna ng maluwag na espasyo. Naramdaman niya ang perensiya nito sa kanyang likuran. Pumihit siya rito sabay hataw ng espada ngunit nasalag ng espada nito ang sandata niya. Malakas din ito pero ramdam niya na mahina ang depensa ng mga binti nito. Tinadyakan niya ito sa mga tuhod. Nasira ang depensa ng mga kamay nito. Sinipa pa niya ito sa ulo kaya tuluyang tumalsik. Mabilis itong nakatayo at matapang siyang hinarap. Ngumisi

