NADATNAN ni Jack si Souljen na humahagulgol sa silid nito. Nang gabing iyon ay bumalik si Haru sa Golereo dala ang ulo ni Kilian, bilang patunay na nagawa nito ang utos ni Sanji. Nagimbal ang lahat nang ibunyag ni Sanji ang dahilan bakit kailangang patayin si Kilian. Bagaman isa si Jack sa pinagtangkaang patayin ni Kilian, hindi pa rin siya pabor sa hatol na kamatayan dito. Para sa isang tao na katulad niya, kahit gaano kalaki ang pagkakasala ng kapwa niya, may karapatan itong mabuhay at bigyan ng pagkakataon. Pero wala siya sa mundo ng mga tao. May sariling batas sa Golereo at wala siyang karapatang makialam. Nilapitan niya si Souljen upang damayan. Dagli itong yumakap sa kanya at sa kanyang balikat umiyak. “Sana hindi ko na lang muna ipinaalam kay Sanji ang ginagawa ni Kilian. Hi