DALAWANG araw nang hindi natutulog si Celine. Kahit anong gawin niya ay hindi siya dinadalaw ng antok. Binubulabog pa rin siya ng kanyang damdamin simula noong naengkuwentro niya si Jack. Nagkataon noon na umalis si Blake upang maghanap ng dugo ng kanyang iinumin. Dahil sa pagtunton sa kanila ng mga kaaway, nagpasya si Blake na lumipat sila sa kabilang bahagi ng yungib, ngunit karugtong lamang ng una nilang tinirahan. Ang bunganga nito ay nasa bangin. Habang lumalaon ay tila nagiging kainip-inip sa kanya ang paglalagi sa lugar na iyon. Wala siyang ibang nakakausap kundi si Blake, na minsan ay seryoso at palaging mainit ang ulo. Nakaluklok siya sa malaking bato habang tinititigan ang nakahaing karne na inihaw ni Blake. Ibang-iba na ng buhay nila kumpara sa palasyo. Mistula silang mga pulu

