ITINULOY pa rin ni Jack ang planong pagsugod sa kinaroroonan nina Blake at Alona. Mga lycan lang ang kasama niya dahil abala ang mga elgreto. Sina Delta, Rizor at tatlo pa sa mandirigmang lycan ang sumama. Nagsuot na siya ng baloti. Wala namang problem sa mga lycan ang mga paniki dahil nakakaya ng mga ito ang venom. May mga proteksyon lang sa mata ang mga ito. Pagdating nila sa kabundukan, sa dating tirahan nina Blake at Alona ay tahimik at wala silang maramdamang presensiya ng bampira. “Mukhang lumipat na nga sila,” sabi ni Delta. Inaasahan na niya iyon. “Pero hindi pa sila nakaaalis dito, natitiyak ko iyon,” aniya. Tinaon nila na umaga upang hindi basta makalalabas ang mga paniki. Maaliwalas ang paligid kaya hindi magtatagal ang mga ito sa labas. Sinuyod nila ang paligid ng kuweba m

