Chapter Seventy-nine

2231 Words

NANG maubos ang mga hadeos ay nagpaalam si Jack sa mga lycan. Naglakbay siya sa malawak na kagubatan ng Altereo. Pagdating niya sa batis ay naabutan niya roon si Delta. Namimitas ito ng bulaklak. Tumikhim siya. Marahas na humarap sa kanya si Delta. Nasa gilid ito ng tuyong batis. “Ikaw pala, Jack,” anito. “Para saan ‘yang bulaklak?” usisa niya. Malapad itong ngumiti. “Alam mo na, para kay Jade. Ngayon kasi ang anibersaryo namin,” turan nito. “Wow! Congrats sa sa inyo! Tao pa rin ang puso mo, ah.” Natawa si Delta. “Siyempre, hindi ko nakalilimutan ang mga kaugalian bilang tao.” “Masaya ako para sa inyo.” “Salamat. Eh ikaw, ano ang ginagawa mo rito?” usisa naman nito. “Ah, sinusuyod ko lang ang paligid ng Altereo.” “O baka hinahanap mo lang si Alona.” Matabang siyang ngumiti. “Tama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD