NANLUMO si Jack nang sabihin ni Ramona na hindi na maaayos ang nasirang libro. Nasira na rin ang propisiya. Pero hindi na masama dahil napatay niya si Haring Damon at maari pa rin naman niyang isagawa ang nakatala sa huling yugto. May mga pangyayari lamang na hindi nila kontrolado kaya pinaghahandaan nila ang posibleng banta ni Haring Demetre. Buhay pa si Blake, maari itong dumakip ng mga tao at gawing alagad nito. Samantalang nahati na ang mga elgreto. Ang iba ay sa bayan ng Embareo na nakatira maging ang ibang lycan upang mapanatiling payapa ang lugar. Titiyakin nila na hindi na makababalik si Blake sa palasyo. Pinili naman ni Jack na manatili sa Buhay na Kapatagan at tumulong sa mga dwende sa pagsasaka. Mas gusto niyang tumambay roon dahil madalas niyang nakakausap si Bert. Hindi muna

