MASAKIT ang ulo at buong katawan ni Jack nang magising siya. Si Alona kaagad ang naisip niya. Inukupa nito ang kanyang isip maging sa panaginip. “Alona!” bulalas niya, napabalikwas nang upo. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Naroon na siya sa kubo. Mamaya ay pumasok si Souljen kasunod si Vulther. “Mabuti nagising ka ba,” ani ni Vulther. “Ano’ng nangyari?” ‘takang tanong niya. Panaginip lang ba na nakita niya si Alona at naghalikan sila? “Tinangay ka ng tubig patungo sa teritoryo ng Embareo, Jack,” tugon ni Souljen. Nakahalukipkip ito habang nakasandig sa hamba ng pinto. “Mabuti napansin ni Souljen na nawala ka sa batis. Humingi siya ng tulong sa amin. Pinasuyod ko kay Raul ang batis at natagpuan ka niya sa gilid ng batis na nasasakop na ng Embareo. Nakuha ka niya bago dum