INIP na inip na si Celine sa loob ng kanyang silid. Hindi siya nakatiis, lumabas siya at naglakad-lakad sa pasilyo patungo sa bulawagan. Gusto niyang lumabas ng palasyo at mamasyal. “Celine!” tinig ni Blake na pumigil sa kanya. Pumihit siya sa kanyang kaliwa kung saan niya nahimigan ang tinig nito. Humahakbang ito palapit sa kanya, masama ang tingin. “Saan ka pupunta?” seryosong tanong nito. “Nais ko lamang maglakad-lakad. Naiinip na ako sa aking silid,” aniya. “Maari ka namang mamasyal dito sa loob ng palasyo.” “Gusto ko namang mamasyal sa hardin kahit isang oras lang. Pakisusap, payagan mo ako,” samo niya. Ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa leeg nito. Namulupot naman ang malalakas nitong braso sa kanyang baywang. Nawala ang sungit nito. “Sige pero dalawang oras lang. Hindi kay