MATAPOS ang obserbasyon nina Jack at Vulther sa usa na pinainom nila ng dugo, napatunayan nila na epektibo rin ang proseso sa karaniwang nilalang na katulad niya. Hindi na makapaghihintay si Jack na gawin din sa kanya ang proseso. “Handa ka na ba, Jack?” tanong ni Vulther. Naroon sila sa loob ng yungib, sa nagsisilbing pahingahan ng mga lycan. Silang dalawa lang ang naroon. Abala ang iba sa pagsasanay at pangangaso. Bumuntong-hininga siya. “Handa na ako,” tugon niya. Nakaluklok siya sa malaking bato habang hinihintay ang hakbang ni Vulther. Nakatayo sa kanyang harapan si Vulther at inihahanda ang baso na paglalagyan ng dugo nito. “Pagkatapos mong makainom ng aking dugo, hindi ka maaring umuwi ng Golereo. Mainit ang klima roon, mapanganib sa iyong katawan. Nagpagawa na ako ng iyong tut