NAPAPAYAG din ni Jack si Alona na mamasyal sila sa Lutareo pero ayaw nitong matulog doon. Tamang-tama pagdating nila ay naroon si Haru. Takot lumapit sa mga lycan si Alona kaya ayaw nitong bumitiw sa braso niya. Kahit si Samara ay ayaw nitong lapitan. “Mukhang hindi pa nawawala ang kontrol ni Blake sa isip ni Alona, Jack,” sabi ni Haru nang nagsolo sila sa kural ng mga usa. Iniwan niya sa kubo si Alona. Nagsara kaagad ito ng pinto baka raw may maligaw na lycan. “Iyon nga ang problema ko. Hanggat nabubuhay si Blake, kontrolado niya si Alona. Nakatutulong ang gayuma ko kaso hindi nagtatagal. Bumabalik din siya sa dati kalaunan,” aniya. “Mahirap nga iyan. Pero hindi ka naman niya inaaway, kaya puwede na rin.” Ngumisi ito. Binato niya ito ng mahayap na tingin. “Anong hindi inaaway? Halos

