Chapter Eighty-three

2060 Words

NAGLUTO nga si Alona kaso hindi malaman ni Jack kung paksiw o sinigang ang ginawa nito sa karne ng usa na mayroong halo-halong gulay. Gayunpaman ay kinain niya ito na walang reklamo. Pinapanood kasi siya ni Alona habang kumakain at ayaw niyang sumama ang loob nito. “Ayos lang ba ang lasa?” naiilang nitong tanong. Ayaw nitong umupo kahit inalok na niya ng silya. Parang hari ang trato nito sa kanya. Pati ang husay nito sa pagluluto ay namatay. “Ayos lang, masarap naman,” sabi niya sa kabila ng pagtitiis sa asim ng sabaw. Pilit itong ngumiti. “Pasensiya na, wala akong alam sa pagluluto,” sabi nito. “Ang totoo ay masarap kang magluto noon.” “Ngayon ba ay hindi na?” Namilog ang mga mata nito. Napangiwi siya. “Ah, masarap pa rin naman.” “Pero hindi ko nakikita sa iyong mukha na nasasara

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD