HABANG papalapit ang grupo ni Jack sa kinaroroonan ng kanyang tiyo ay dumadami rin ang mga hadeos. Ipinaubaya na niya ito sa kanyang mga kasama. Kasama niya sina Alona at Haru sa pagsuyod sa daan patungo sa kanyang tiyo. Mainit na ang klima roon. Napalaban pa sila sa sumalubong na mga hadeos. “Jack! Punatahan mo na ang iyong tiyo!” sigaw ni Haru habang pinupuksa ang mga hadeos. Tumakbo sila ni Alona. Ito ang pummupuksa sa mga hadeos, pinapana habang malayo pa. Mas mabilis na itong kumilos kaya nauunahan siya sa paglapit sa mga hadeos. Kumaliwa sila sa mas mainit na klima. Naroon na sila sa silid kung saan ang kanyang tiyo. Nakipaglaban muna sila sa mga hadeos na naroon. “Jack! Dumating ka!” nasasabik na sabi ni Lucio. “Nangako ako, tiyo ka gagawin ko,” aniya habang pinupuksa ang mga ha

