NAGBAGO na ang mga gusali sa bayan ng Embareo. Pinalitan ng mga elgreto ang lumang mga tirahan ng bampirang mandirigma maging ang bahay pagamutan. Wala na ang mga naiwang kagamitan ng mga bampira maging sa palasyo. Pumasok sila ni Alona sa trono ng hari. Wala na roon ang mga gamit ng hari. Naitago na ang mga gintong silya at ibang kasangkapan at pinalitan ng karaniwang gamit na yari sa kahoy at bato. Simpleng mansyon na lamang ang palasyo. Halatang nasasabik si Alona na tumira roon dahil mas komportable nga naman. Binalikan nito ang kuwarto nito. “Bakit hindi na lang tayo rito tumira, Jack?” gagad nito. “Hindi natin pag-aari ang lugar na ito. Inilaan ito ni Sanji para sa mga karaniwang nilalang.” Natutuwa rin siya dahil may mga sumilian na roon sa Embareo. Nagtagumpay na nga si Sanji n

