"ANO?! Bakit ngayon n'yo lang sinabi iyan sa amin ng Daddy ninyo?!" Kulang ang malakas upang ilarawan ang boses ni Grandma Janellah sa oras na iyon. Aba'y paanong hindi siya mapapasigaw samantalang manugang nila ang anak ng kaaway ng kanilang pamilya? Ang masaklap ay ang matinik nilang apo ay nakapunla na! "Wala po akong maidahilan, Mommy. Dahil talagang hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Kung hindi siguro sumugod dito ang manugang natin ay baka naabisuhan pa namin kayong dalawa ni Daddy," pahayag ni Mirriam kasabay ng pagpakawala ng malalim na hininga. "Idagdag pa itong si Jervin na halos hindi mahahilap nitong mga nakaraang araw dito sa bahay. Ako rin ang nagsabing kailangang makausap muna namin siya bago ipagtapat sa inyo." Pagsegunda rin ni Jervin sa asawa. Tuloy! Nam