MAY problema mang kinakaharap ang pamilya nila ay hindi naging sagabal iyon upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga magulang. Dahil sa katunayan ay plano na nila iyon bago pa dumating sa kanilang buhay si Monica. "Since ayaw na ayaw nina Mommy at Daddy ang mag-travel, ano kaya ang nating regalo ngayong taon?" tanong ni Jervin sa kambal niyang si Jerwayne. "Sigurado ring kurot at pingot na naman ang aabutin nating lahat kung surprise wedding anniversary na naman. Aba'y masakit pa ring mangurot si Mommy," anito imbes na sagutin siya. "Kaya nga kita tinatanong, kambal. Dahil hindi sila mahilig sa materyal na regalo. Linggo-linggo silang nag-iikot at sa susunod na buwan pa ang schedule nila rito sa bahay. Ano kaya kung kausapin natin si bunso?" tanong niyang muli. "Semi-mommy ang taong