"MAY paayaw-ayaw pang nalalaman si Mommy kaso sa halik ay inunahan pa si Daddy." Hagikhik ni Marya Clarang may sungay. Well, nasa malawak na AGDA ang lahat. Dahil na rin sa renewal of vows ng kanilang mga magulang. Ngunit hindi lang iyon ang ininanda nilang surpresa. Sinigurado nilang walang kawala ang mga ito. Well, it's not what others think. It's their own way! "Honey, ikaw talaga oo. Iyan pa ang napansin mo. Let them be. It's their moment, by the way. Kung gusto mo ay ako rin, halikan mo ako," nakatawang saad ni Martin saka inginuso ang labi sa asawa. "Tsk! Tsk! Mamayang gabi, Mr Miller. Kasasabi mo lang na moment ito nina Mommy at Daddy kaya't huwag tayong makiagaw-eksena." Irap pa ni Mary Claire sa asawang mukhang naguyo na sa the moves ng mga magulang nila. "Bunso, ang tawag diy