Chapter 73:

2000 Words

Nagtatalo ang puso at isipan ni Antonette, may mga pagkakataong gusto na niyang sabihin kay Henry ang katototohanan tungkol sa anak pero sinasabi ng isip na gusto na muna niyang gumanti kay Frank. Hindi pa man ganap na nakakapag-isip ng kung ano ang tamang gagawin nang bigla ay tumunog ang kanyang cell phone. Nabigla pa siya nang makita na ang lalaking laman ng isipan ang natawag, naalala niyang binigay pala niya ang numero niya rito. Mabilis na tumikhim upang tanggalin ang bara sa lalamunan bago iyon sinagot. "Hello, Henry," agad niyang turan. "Hi, sorry to disturb you," agad namang hingi ni Henry ng paumanhin. "Ayos lang, bakit ka nga pala napatawag?" puno ng kuryusidad na tanong dito. Doon ay narinig niyang napatikhim si Henry sa kabilang linya at bahagyang natahimik. "A-Ayos ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD