Napasinghap si Henry nang masilayan ang ganda ni Antonette habang pababa ito ng kanilang hagdan, tila nagbalik ang dating pagmamahal dito na kay hirap niyang pigilan. "Let's go," untag ni Antonette sa kanya. Mabilis siyang napangiti upang maitago ang pagkapahiya gawa ng pagkatulala sa ganda nito, hindi niya tuloy napansin na nasa harapan na pala niya ito. "Let's go," aniya sabay lingon sa mama ni Antonette na kasama niya sa sala. Nakita niyang ngumiti na tila nagsasabing ibinibigay nito ang kanyang basbas sa kanya. "Basta mag-iingat kayo, lalo na ngayon at hindi pa nahuhuli kung sino ang nagtatangka sa buhay ng anak ko," ani ng ginang. "Makakaasa po kayo, tita, hindi po kami magpapagabi at ihahatid ko rin po siya rito," magalang namang tugon ni Henry sa ginang. "Mainam kung ganoon,"