Chapter Thirty One MAUREEN KATULAD ng napagkasunduan naming dalawa ni Cholo ay umuwi kami sa San Gabriel tanghali ng sumunod na araw. Bago ito ay tumuloy kami sa kanyang bahay sa an Fabian at na-amaze din talaga ako sa ganda nito. Namangha ako sa detalyadong disenyo ng bahay. Mga tauhan lamang ang nandito at mga kasambahay. Tila ba sila na rin ang nagmamay-ari nito kaya naman hindi ni ramdam na tauhan lamang sila. Makikita ito sa istilo ng kanilang pananalita at sa kanilang mga galaw sa bahay na para bang kanila na rin ito. “Hijo, pumasok na kayo. Nagluto ako ng kaunti kanina. Hindi ka naman nagsabi kasi na darating ka,” wika ng matandang babae na sa palagay ko ay ang pinakanagmamanage ng kanyang bahay. “Huwag na po kayong masyadong mag-abala manang. Uuwi rin naman kami bukas,” sabad