Chapter Thirty Two NATHAN BANDANG hapon nang naglilinis kami ng bakuran ay nakikita ko si Maureen at yung Cholo sa loob ng bahay nila na masaya pang nag-uusap. Ni hindi niya man lang ako magawang lingunin mula sa kanyang kinauupuan. Ito ba ang gagawin niya sa akin matapos ang lahat lahat? Kung sana hindi na lang ako nahulog sa kanya. Biglang umulan at nagdilim na ang kapaligiran. Nanatali lamang ang ako sa ilalim ng punong manga habang ang mga kasama ko ay nagtakbuhang pumunta sa aming quarters. Nakatitig lamang ako sa mansion habang nakatingin sa kanilang masayang nag-uusap at nagkakape. Hanggang sa tumila ang ulan at nakita kong lumabas mula sa loob ng bahay si Cholo. Mukhang aalis ito. At hindi nga ako nagkamali nang makitang umalis ito gamit ang kanyang kotse. Nang makaalis na s