Chapter Thirty Nine MAUREEN "MARAMING salamat po Attorney Villahermosa. Hindi ko po talaga alam ang plano ninyong ito. Hindi ko rin po alam ang mga sakripisyo niyo para dito ngunit labis po akong nagpapasalamat," Labis labis ang tuwa sa mukha ng aking Kuya Glenn nang lapitan kami ni Attorney Villahermosa. Ang aking papa at mama ay nananatili pa ring hindi makapagsalita dahil na rin sa mga nangyayari. Si Nathan ay nakatayo lamang sa isang sulok habang hawak pa rin ang bag na itim. Ninanais ko siyang lapitan ngunit hindi ko alam kung paano dahil may kung anong bagay sa aking dibdib na pumipigil sa akin sa paghakbang. "Attorney," ani papa. "Si, si Nathan b-ba talaga ang,…" hindi maituloy ng aking ama ang kanyang katanungan sapagkat hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Napangiti nam