Chapter Thirty Eight MAUREEN ARAW NA ng pagdinig sa kaso namin laban kay Gregorio. Labis akong kinakabahan dahil hanggang ngayon ay hindi namin mahanap si Nathan. Bago mag alas otso ng umaga ay dumating na kami sa San Lorenzo Municipal Trial Court. Ang tangi lamang naming dala ay ang aming panalangin na sana ay magiging patas ang laban at ang ilan naming mga witnesses na naging tauhan ni Papa noong siya ay baguhan pa lamang sa gobyerno. Tahimik lamang kami nang kami ay pinapasok na sa loob ng korte. Nakangiti pa si Gregorio nang kami ay makita niya sa loob nito. Katulad ng inaasahan ay kasama niya sa korte ang kanyang anak na si Cholo, ang kanyang mga tauhan, ang kanyang asawa, at si Attorney Villahermosa. Nang nagsimula na ang pagdinig ay nagsimula na rin ang aking hindi maipal