Chapter Thirty Seven MAUREEN PUMAYAG kaming makipagkita sa nagsasabing siya ang anak ni Tito Juanito. Ayaw nilang maniwala nang sabihin ko sa kanila na si Nathan nga ang anak ng Tito Juanito. Hindi nila lubos akalain na siya nga. Sinabi ko naman sa kanilang hindi rin niya alam na dito niya pala mahahanap ang pumatay sa kanyang ama kaya naging coincidence lang ang lahat ng ito. Sa Sabado ay makukumpirma nga kung siya ang pupunta o impostor. Pinayagan na rin ako nina mama at papa na sumama bilang isang pamilya kami. Naghanda rin siya ng escort kung sakaling may maganap na hindi maganda sa Cusina Lorenza kung saan kami magkikita kita. ARAW ng Sabado, nauna na ang mga sibilyang pulis na nagtungo sa Cusina Lorenza. May mga kasunod din naman kaming mga pulis kaya naman kampante ang aking