PRECY NINE MONTHS LATER. Maaga pa lang ay gising na ako dahil iyakin lately ang bunso ko. Mabuti na lang at malaki ang kama dito sa silid namin ni Aryan, kaya kasya kaming lima kahit magkakatabi pa kaming lahat matulog. Dahil nasanay ang kambal na katabi ako sa gabi at kasama sa silid noong nasa isla pa kami, kaya kahit sinilang ko na ang bunso namin ay ayaw pa rin nilang matulog sa silid na hinanda ni Aryan para sa kanila. Naglagay na lang tuloy kami ng crib para kay Baby Ariana para komportable siyang matulog sa gabi at hindi maipit kasi malikot sa higaan ang kambal. Kalong ko ang anak ko habang pinapasuso siya ng makita kong gising na si Aryan. Agad siyang bumangon sa kama at lumapit sa akin dito sa sofa. Agad na lumapit siya sa akin at malambing na niyakap ako, sabay kabig sa a