PRECY “Ang ganda naman ng gown mo, Precy. Bagay na bagay sa iyo!” malakas na sabi ni Ate Marites habang nakatingin sa suot ko. “Gown ko lang ba ang maganda?” nakangiting tanong ko sa kaniya. “Aba, syempre, pati ikaw rin.” Mabilis na niyakap ako ng mahigpit ni Ate Marites. “Congratulations sa inyo ni Aryan. Sa dami ng pinagdaanan ninyong dalawa, kayo pa rin talaga ang nakatadhana sa isa't isa.” “Salamat, ate.” Gumanti rin ako ng yakap sa kaniya, pero agad rin bumitaw dahil inalog ni Ate Marites ang magkabilang balikat ko. “Huwag tayong madrama ngayon, Precy. Masisira ang makeup natin at hindi maganda sa picture. Sayang kapag ganyan ang nangyari. Ngayon lang ako makakadalo ng pang mayaman na kasalanan, kaya dapat maganda ako.” Natatawang humiwalay ako ng yakap kay Ate Marites. Hinawak