ARYAN Fúck! Kanina pa ako pinagpapawisan ng malapot kahit malamig naman ang temperatura dito sa ospital dahil malakas ang buga ng air-condition. Pareho kaming nakatanghod at hindi mapakali ni Casper dito sa labas ng delivery habang naghihintay ng kahit anong balita mula sa loob. Parehong nasa loob ng delivery room ang mga asawa namin at nanganganak ngayon. Pinalayas kami ni Precy kanina dahil daig pa naming dalawa ang kami ang manganganak dahil sa labis na tensyon kapag nakikita namin silang nakangiwi at hirap na hirap. “Boss, hindi ba talaga tayo p'wedeng pumasok sa loob?” makulit na tanong ni Casper. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang ulit na niya akong tinanong habang mahaba ang leeg na nakatanaw sa pintuan. “Shut up, Casper! Ang ingay mo, nag-iisip pa ako!” frustrated na s