Walang gustong unang mgsalita sa kanila ni Jaycion. Tabi lang sila na nakaupo habang inaantay ang paggising ni Mang Estong. Habang ang bangkay naman ni Mang Carlo ay inilagay na sa morge. Kahit anong imbestigasyon ng mga pulis ay wala silang nakalap na impormasyon. At ayon sa mga pulis na nag-imbestiga, napag-alaman nilang may namatay rin sa lugar nina Jaycion na gano'n din ang ikinamatay sa ikinamatay ni Mang Carlo. Wala rin nakalap na ano man daw ang mga pulis para maituro ang may kagagawan. Pinutol rin ang leeg ng lalaki na si Mang Lito. At siya'y kilala rin ni Jaycion dahil madalas ang lalaki noon sa bahay nila, kausap ang Tatay nito. Ang alam lang ni Jaycion ay kakilala ni Tito Carlo nito ang lalaki na pinakilala naman sa Tatay nito. "O-okay ka lang?" Alinlangang tanong ni Jo-anne