PART 20

954 Words

"Liar! Mahal na mahal ako ng Daddy ko!" Pahagulhol na bulyaw ng batang si Madel sa mga lalaking hindi nito kilala. Awang-awa naman si Mang Estong sa bata. Gusto nito itong tulungan pero iniisip nito rin ang asawa. Kailangan ni Mang Estong ng malaking pera at itong batang ito na lang ang pag-asa nito para magkaro'n ng pampagamot sa may sakit nitong asawa. Kailangan nitong mapa-opera. At ito lang ang tanging paraan na mabilisan! "Kung mahal ka niya bakit 'di niya maibigay sa'min ang kapalit mong pera?! Ang mahal niya ay 'yung limpak-limpak niyang pera! Hindi ikaw!!" Giit na galit ni Mang Lito sa bata. Sa bata binubunton ang badtrip nito kay Mr. Deloria. Ang ganda kasi ng usapan nila. Tapos gano'n na trayraydurin sila! Lintik siya! "That's not true! Mahal ako ng Daddy ko! Mahal niya ako!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD