Laglag ang balikat ni Jo-anne na pumasok sa bahay nila. Diretso siya sa kwarto niya. Ni hindi niya narinig ang tanong ng Nanay niya sa kanya. "Kumusta ang Tatay ni Jaycion?" Tuliro siyang umupo sa gilid ng kanyang kama at natulala na roon ng matagal. Nawawala pa rin siya sa sarili dahil sa mga nakakarimarim at nakakakilabot na mga nangyari. Idagdag pa ang nalaman niyang nangyari kay Madel. Hanggang sa may marinig siyang sisinghot-singhot sa ilalim ng kanyang kama dahilan para magbalik siya sa katinuan. Nagtataka siyang tumayo at pinakiramdaman ang narinig. Pero hindi na lang singhot ang narinig niya kundi iyak na ng bata. At mula iyon sa ilalim ng kama! Lumuhod siya dahan-dahan. Dahan-dahan din niyang itinaas ang bedsheet na tumatabing sa ilalim ng kama. "Huh?!" At napaupo siya sa ma