#16:

3108 Words
Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ ACER POV: ¤¤¤ Nagulat pa ako ng bigla akong hatakin ni Harold ng mapag iwanan kaming dalawa ng mga kasama namin na namasyal pa sa isa pang mall. Hindi ako agad nakapagreact dahil sa gulat ko ng hilain na lang ako nito sa hindi mataong lugar. "A-ano ba?" Sasabayan ko sana ng sigaw pero mabilis ang pangyayari dahil agad niyang tinakpan ang bibig ko. At may kung anong matulis na bagay sa may tagiliran ko. Dumiin ng bahagya iyon kaya may kung anong sakit akong naramdaman doon. "Huwag kang sisigaw, Acer." Dahil sa takot na kumalat sa buong pagkatao ko ay hindi na ako nagpumiglas pa. "Pasensya ka na. Napag utusan lamang ako." Kuway saad niya na parang hindi naman bukal sa puso ang ginagawa ngayon. Naramdaman ko pa ang panginginig niya ng hawakan na ako sa braso habang nakaturok parin sa tagiliran ko ang hawak ng isang kamay. "A-anong gagawin mo sa akin? B-bakit mo ito ginagawa?" Nagpapakatatag man ako pero hindi ko talaga mapigilan ang takot ko. Baka kung nagkamali ako ng kilos ay tuluyang bumaon ang nasa tagilaran ko. "Hindi ko alam sa taong nang utos sa akin. Basta sumama ka na lang sa akin ng maayos. Dadalhin kita sa kanya." Sagot naman nito. Napasunod na nga lang din ako kay Harold. Hindi na ako gumawa ng ikakapahamak ko pa sa kamay nito. Umakbay ito sa akin na parang walang nangyayaring kakaiba pero ang isang kamay na nasa ilalim ng makapal na jacket nito ay hawak ang nakatutok paring patalim sa akin. "Huwag kang magpapahalata. Kung ayaw mong pareho tayong mapahamak." Sabi nito sabay tulok pa sa akin. Napalunok akp sabay tango bilang sagot. Nangangatal ang labi ko sa takot para magsalita pang muli. Ilang beses na ba itong nangyari sa akin? Dalawa? Tatlo? Pang apat na beses na. "Kuya Kenneth." Bulong sa isipan ko dahil siya naman lagi ang halos nagliligtas sa akin. Siya palagi ang laging nandyan kapag kailangan ko. "Move. Bilisan mo ang maglakad. Napapahalata tayo. Baka abutan pa tayo ng mga kasama natin." Sabi niya. Napangiwi pa ako dahil naramdaman ko na naman ang tulis ng patalim na hawak niya. It's hurt. Muli akong napatango. Binilisan ko na ang lakad ko ayon sa gusto nito. Hindi nagtagal ang paglalakad namin ay huminto kami sa pulang kotse. May bumaba doon na isang katandaang lalaki. "Heto na siya. Masaya ka na siguro at titigilan mo na ang mga magulang ko." Sabi ni Harold dito dahilan para mapangisi ito. "Depende iyon sa kung ilan ang makukuha kong ransom sa kaibigan mo." Hindi ako umimik. Sadya yatang nablackmail din si Harold ng matandang ito kaya nito ginawa sakin ito. Ang takot na kanina'y naramdaman ko ay napalitan ng galit sa matanda. Hindi ko man alam ang puno't dulo sa pagitan nila ni Harold ay masasabi kong napilitan lamang itong tangayin ako. Napakislot ako ng hinawakan ako ng matanda mula kay Harold at mabilis na pinasakay sa likod ng sasakyan nito. Itinali ang kamay at paa mo, nilagyan ng tape ang bibig ko. Wala akong naging kakilos kilos habang naghihintay na matapos ang pag uusap ng matanda at ni Harold. Kung ransom ang hihingin nito ay madali lang ibigay iyon nina daddy basta huwag lang akong sasaktan. Hindi naman papayag sina daddy na masaktan ako o mapahamak kaya alam kong maililigtas nila ako sa kamay ng matandang ito. "Alam kong kaya ng mga magulang mo ang ibigay ang ransom na hihingin ko sa kanila kapalit ng kaligtasan mo." Kuway sabi ng matanda ng makasakay na ito. Pinaarangkada ng paalis ang sasakyan. Naiwan na si Harold kung saan lang ito na katayo kanina ng lingunin ko. Hindi ako makasagot ng maayos kahit na gusto ko sana itong sigawan. Wala akong takot na naramdaman sa matandang ito dahil... Langitngit ng mga gulong ang namayani ng biglang may tatlong kotseng humarang sa sinasakyan namin. Ang isa ay kotse ni kuya Kenneth. Mas nabuhayan ako ng loob. Alam ko na nanunuod lang sa malayo si kuya Kenneth. Mabilis na bumaba doon si kuya Kenneth at bago pa man ako mahawakan ng matanda sa likod at nakatutok na ang isang baril dito. "Move." Malakas na sigaw ni kuya Kenneth mula sa labas. Kaya walang nagawa ang matanda kundi ang buksan ang pinto sa tapat nito. "W-wala akong ginawagang masama." "f**k off. Ang lakas ng loob mong tangangin ang kapatid ko." Gamit ang baril ay ipinalo ni kuya Kenneth iyon sa may leeg ng matanda na agad namang nawalan ng malay. Binalingan ako na nasa likod. Inalis ang tape sa bibig ko. Kinalag ang tali sa kamay at paa ko bago niya ako niyakap ng mahigpit. "Are you okay, little Acer? May masakit ba sayo?" Magkasunod na tanong niya. Hindi ako sumagot kaya mas nakitaan ko ng pag aalala si kuya Kenneth. Napayuko ako sa tagiliran ko. Dahil kanina pa nga iyon kumikirot dahil sa patalim kanina na itinutok ni Harold. May bahid ng dugo. "Fuck." Napamura si kuya Kenneth ng makita din ang dugo sa tagiliran ko. Mabilis na kumilos siya at binuhat ako palabas ng kotse at inilipat sa kotse niya. "Dalhin niyo siya sa prisento. And that kid. Isama niyo na din siya." Pagbibilin niya sa kasamang dumating kanina. "N-no. Harold is innocent." Bigla kong naalala si Harold. "What? But he did that to you." Sabay turo ng tagiliran ko. "Ugh! Whatever. Basta isama niyo siya doon ng makausap ko." Sabi niya bago sumakay ng kotse at mabilis na minaneho bagtas ang daan papunta sa AA Hospital. Agad naman akong inasikaso ng makarating kami ng hospital. Nataon na si tito Kanye ang nasa ER kaya siya mismo ang umasikaso sa akin. Tumingin ng sugat ko at gumamot. "Salamat tito Kanye." Si kuya Kenneth ng balingan na ito ni tito Kanye matapos malagyan ng plaster ang sugat ko. Kampante lamang akong nakaupo at nakinig na lang sa kanila. "Wala iyon. Maliit lamang ang natamo niyang sugat. Kumbaga daplis lamang. Mag ingat na kayo sa susunod. Sadya yatang malapit sa disgrasya si Acer. Lalo pa at naging sikat siya at nakilala sa lipunan." "Kaya nga tito. Salamat na lang ulit sa panggagamot sa sugat niya." "Sige. Magrereseta lang ako ng gamot na iinumin niya ng tatlong araw at ang ipapahid sa sugat niya." "Sige tito." Binalingan ako ni kuya Kenneth matapos akong resetahan ng gamot ni tito Kanye. Umalis na din si tito Kanye para asikasuhin ang iba pang mga pasyente. "Halika ka na. Umuwi na tayo." Umalalay siya sa akin pagbaba ng trolley bed. "Want me to carry you?" "Hindi naman ang paa ko ang nagalusan kaya makakapaglakad ako." Pabalang na sagot ko. Kahit na gustong gusto kong yumakap sa kanya dahil sa ginawang pagligtas sa akin. "I know. Just let me hold your hand." Sabi niya at hinawakan nga ako sa kamay. Hindi na ako nagreklamo. Magkaagapay na lumabas ng hospital. ¤¤¤ ¤¤¤ Alalang alala si mommy ng maikwento ni kuya Kenneth ang nangyari sa akin lalo na ng malaman ang maliit na sugat na natamo mo. "Ace, I want them to suffer." May pag aalala man pero sa unang pagkakataon ay nakita ko ang galit sa mga mata ni mommy. Sa mga nauna kasing pagtatangka sa akin ay wala akong kagalos-galos kaya hindi siya nagalit pero ngayon.. galit na galit siya dahil sa maliit na sugat ko sa tagiliran ko. "Shhhh! Oo, mi esposa. Relax, calm down. Kami na ang bahala sa kanila." Sagot naman ni daddy na niyakap pa si mommy. Inaalo para maibsan ang galit nito sa nanakit sa akin. Masasabi kong kahit na anong bait ni mommy ay iba din magalit kung isa na sa taong mahalaga sa kanya ang mapapahamak. Kahit sino naman diba. I really do care a lot for them na isa man sa kanila ay ayaw kong mawala sa akin. Si mommy, si daddy, si lolo at higit sa lahat ay si kuya Kenneth. I love them with all my heart. "I'm okay mommy. Don't worry." Sagot ko. Sinamahan ng ngiti para maipakitang hindi ako naapektuhan sa nangyaring pagkakadukot sa akin. "No! Your not. They hurt you." Sagot ni mommy. Hinaplos ako ng pisngi bago yumakap din sa akin. "Mauuna na ako tito, para ayusin ang kaso ng nagtangka kay Acer." Si kuya Kenneth na sumingit sa usapan namin. "Susunod ako." Sabi naman ni daddy. "Sige po." "Don't hurt Harold." Kuway saad ko ng maalala ko ito. "Gusto ko muna siyang makausap. May mabigat na dahilan siya kaya siya sumunod sa matandang iyon na dukutin ako." Nagkatinginan silang tatlo bago napatingin sa akin. Nagpakawala ng buntong hininga si mommy na tumingin ulit kay daddy. "Okay! Kakausapin namin siya tungkol sa nasabi mo, baby. Sa ngayon.. hindi ka na muna makakalabas ng bahay hanggat hindi nalilinis ang kasong ito." Si daddy ang sumagot. "Mauuna na ako tito." Muli ay paalam ni kuya Kenneth. Magaan ang tinging ipinukol sa akin bago siya tuluyang umalis. "Wala na bang masakit sayo? Are you sure you okay?" Paulit ulit na tanong ng mommy sa akin ng kami na lang ang naiwan sa sala. "Okay lang ako mommy." "Ayaw ko ng nasasaktan ka, baby. Kung maari lang ay ako na lang, huwag lang ikaw. Tama na ang paghihirap mo noong bata ko. Hindi ko na ulit iyon gugustuhin maranasan pa ulit." Sabi nito. Patuloy sa masuyong paghaplos sa pisngi ko. Halik sa nuo na paulit ulit habang nasa tabi lang namin si daddy na tahimik at nanunuod sa amin. Tumango ako. Ramdam ko talaga ang takot ni mommy na may pag aalala. Wala kasi sa alaala ko ang pinagdaanan ko noong may sakit pa ako sa puso dahil sanggol pa lang naman daw ako. Naikwento naman nila iyon sa akin kung paano daw ako nakipaglaban sa sakit ko kahit nasa murang edad at wala pang kamuwang muwang sa mundo. Kaya kapag nagaglusan o nasusugatan ako sa tuwing naglalaro ako noon kasama ang ibang mga pinsan ko ay puno ng pag aalala si mommy. Daddy just comfort me sa mga panahong iyon at sinasabi na bahagi ng pagkabata ang magalusan. Kaya naman, hindi na ako nakikipaglaro ng madalas sa mga pinsan ko para lamang hindi mag alala sa akin si mommy. Kapag may pagkakataon man na mapapasali ako ay nababalewala na ako dahil ayaw nga din nila akong masaktan o magalusan but deep inside. Naiinis nga ako dahil akala ko lang noon ay ayaw nila sa akin kaya madalas ng napapaaway ako sa kanila. Ako ang unang nang aaway habang sila din ang napapagalitan ng lolo dahil doon naman kami madalas magkakasama at maglaro. "Okay lang talaga ako, mommy. Saka sabi naman ni tito Kanye na galos lamang iyon at hindi makakasama sa akin." "Just stay here baby. Huwag ka ng lumabas pa. Dito ka na lang sa bahay." Sabi pa ni mommy. "Juat stay here for a while baby. Makinig ka sa mommy mo." Pasigunda ni daddy na makahulugang tinapunan ako ng tingin. Pagdating sa pag aalala ni mommy sa akin ay hindi talaga ito matatahimik hanggat hindi natatapos ang gulong nangyari kaya naman nanahimik na lang ako at hindi na sinagot pa si mommy. Sinamahan pa ako ng silid ko para makapagpahinga daw ako gayong wala namang naging masamang epekto iyon sa akin. Kaninang nakatutok ang patalim na hawak ni Harold ay doon ako natakot dahil sa isang maling galaw ko lang ay siguradong babaon iyon sa katawan ko pero kaninang kinuha na ako ng matandang nag utos kay Harold na ipadukot ako ay hindi ako nahintakutan dahil wala namang patalim, o baril na armas ang matanda maliban sa itinali lamang ako. Saka alam ko naman talaga na hindi ako hahayaan nina kuya Kenneth o daddy na mapahamak ako sa kamay ng dudukot sana sa akin. And yes.. tama lamang ang mga nasa isip ko. Kumbaga wala pang katrill-trill ang nangyari sa akin. Sadyang maswerte lamang ako. Kung mga malalaking sindikato lamang siguro ang magpapadukot sa akin ay baka hanggang ngayon ay nasa kamay parin ako ng mga iyon. Pasalamat na lang talaga ako. May ikinaganda naman ang pagbabantay sarado nina papa sa akin. And got kuya Kenneth attention. Pero hindi ko naman gugustuhin ang ganung pangyayari para lamang makuha ko ang buo niyang attensyon. Hayst. ¤¤¤ KENNETH POV: ¤¤¤ Parang gusto ko ding turukan ng patalim ang matandang gusto siyang dukutin kanina at ibaon iyon ng buong buo sa tagiliran nito. Gusto ko itong gantihan sa ginawa nila kay Acer kahit na hindi ito nagtagumpay. Akala ko nga kanina ay sadya lamang na napahiwalay silang dalawa ng isa sa kasama niya pero iba na pala ang nangyayari. Agad kong tinawagan ang dalawa sa lihim din na nagmamasid sa kanya para tulungan ko sakali mang may ibang mga kasama ito. Pasalamat na lang talaga ako na nag iisa lamang ang matanda kanina. May mga kasama din daw ito pero nasa hideout nila kung saan sana dadalhin si Acer kanina kung napagtagumpayan ang pagtangay sa kanya. At ang Harold na ayaw naman ipagalaw ni Acer ay kinausap ko at napag alaman ko na nablockmail lamang ito para din sa kaligtasan ng mga magulang at kapatid. Kasalanan naman daw ng papa nito dahil nagkautang ito sa grupo ng matanda at ang kapalit nun ay ang pagpapadukot kay Acer. Mas malaking halaga daw ang makukuha nila kapag nagtagumpay sila. Pero malas lang nila dahil hindi nila kilala ang pinagtangkaan nila ng masama. Malakas na suntok ang iginawad ko sa matanda. Hindi na sana ako papatol dahil may katandaan na ito pero kapatid ko ang ginawan nila ng masama. "Maghunusdili ka sir. Narito na po tayo sa prisento." Pagpipigil sa akin ng isa sa pulis na nakabantay ngayon dito. "Bahala na po ang batas na magparusa sa ginawa nilang masama." Pagpapatuloy pa nito na pumagitna na ngayon sa akin at sa matanda. "Siguraduhin niyo lang na magbabayad siya sa batas." Halos sabay sabay kaming napalingon ng maringgan namin ang boses ni tito Ace. Kilala sa lipunan kaya kahit na mga pulis na nasa ranggo ay nagbigay ng paggalang sa kanya. Isa rin kasi ang pinsan nitong si tito Vienn na pulis dati pero patuloy parin sa pagbisita sa dating nasasakupan. Nagbibigay parin ng tulong sa mga nangangailangan kahit na wala na siya sa kapulisan. "Dahil kung ako lang ang masusunod, sa kamay ko siya dadaan sa pagtatangka niya sa anak ko." "Magandang hapon, mr. Anderson. Huwag po kayong mag alala dahil hindi namin ipagwawalang bahala ang kaso ng anak niyo." Seryusong tumingin si tito Ace sa matanda na ngayon ay nakayuko at halatang hindi nahintakutan ng makilala nga si tito Ace. Hindi naman nag iwan ng salita si tito Ace sa matanda basta tinignan na lang niya ito ng seryusong tingin na kahit na sino ay hindi gustong salubungin. Matapos nitong titigan ng ilang sigundo ang matanda ay isinunod niya ang barkada ni Acer. Tinapunan niya din ito ng seryusong tingin. "Put them in jail." "Oo, mr. Anderson. Makakaasa po kayo." Matapos ang ilang sandali ng pakikipag usap ng matanda sa mga pulis ay ipinaraid nila ang lugar kung saan sana dadalhin si Acer kanina. "Pagkatapos mo dito. Mag usap tayo sa bahay mamaya." Si tito Ace habang naghihintay kami ng balita sa ipinaraid nila. "Ikaw na ang bahala dito." "Sige, tito Ace." Nauna na ngang umuwi si tito Ace matapos ang ilang minuto lang na itinagal sa pulisya. Ilang minuto din ang lumipas ng magkaroon na ng balita sa mga kasama ng matanda. Nahuli ang mga ito kaya nabigyan na ng karampatang parusa sa pag amin ng kasalanan. Isa din pala ang grupo nila sa mga nagtutulak ng druga sa kabataan kaya naman naging patong patong na ang naisampang kaso sa kanila. ¤¤¤ ¤¤¤ "Alam mo sayo ko lang ipinagkakatiwala si Acer." Seryuso na nakatitig lamang si tito Ace sa akin habang sinasabi iyon. Agad ko itong pinuntahan ng makauwi ako para makausap ayon sa gusto nito bago umalis ng estasyon ng pulis kanina. "Nasabi niyo na iyan minsan sa akin tito." Seryuso ding sagot ko dito. Nakipagsukatan ng tingin dito. "Pero hindi ko nagustuhan ang nangyari kanina at ayaw ko ng maulit pa ang nangyari kanina." "Hindi natin iyan maiiwasan tito, lalo na at naging kilala siya sa lipunan dahil sa mga nagdaan niyang kasikatan." Sagot ko dito. "At naging maluwag kayo sa kanya. Pasensya sa nasabi ko pero totoo naman iyon tito. Kung hindi niyo siya hinayaang gawin ang gusto niya ay hindi siya basta basta mapapahamak ng ganun lang." "Kasalanan ba ang palugudan ko ang nag iisang anak ko? Sabihin mo sa akin, kung iyon lang ba ang makakapagpasaya sa kanya." "Pero napapahamak siya tito. Hindi ko kinuquestion ang pagpapalugod niyo sa lahat ng gusto niya. Pero alam niyo naman po na hindi ordinaryong buhay lang ang mayroon siya. Maraming mga masasamang taong nagkalat ay isa sa mga iyon ay balak siyang gawan ng masama." Nagpakawala ito ng buntong hininga. Seryuso paring nakatingin sa akin. Wala akong pakialam kung masamahin nito ang sinabi ko pero iyon naman ang totoo. "Alam ko iyan. Pero alam ko naman na hindi mo papabayaan ang anak mo. Pinagkatiwalaan kita at hindi mo ako binigo. Sana sa pagkakataong ito ay hindi mo mabibigo ang gusto ko." Ako naman ang nagpakawala ng buntong hininga na naghintay lamang sa susunod na sasabihin nito. "Ipinagkakatiwala ko na sayo ang anak namin, gawin mo ang alam mong makakabuti sa kanya. Hindi ko gugustuhin na kunin sa kanya ang nakasanayan niyang buhay. Ang pagiging malaya niya. Kaya ikaw na ang gumawa nun para sa akin." Pagpapatuloy nito. Sa sinabi ni tito Ace sa akin ay doon ko lang napagtanto na gusto nito na ituwid at putulin ang ibang luho ng anak dahil ayaw nito na siya mismo ang magiging dahilan para sa ikalulungkot ni Acer. Nagpakawala na naman ako ng buntong hininga bago ako nagsalita. "Kung ang pagsunod sa kanya sa bawat oras ay kaya kong maipangako. At tungkol sa bagay na sinabi niyo ngayon lang ay hindi ko nasisiguro na kaya ko. Pero.. susubukan ko parin tito kung kaya ko." "May tiwala ako sayo. Nasabi ko na sa iyon noon kung natatandaan mo pa. Kaya ako pumayag na kunin ka sa ampunan dahil nakikita ko sayo ang aking kabataan. So I'm counting on you, Kenneth. Be a man to Acer. Saiyo ko lang siya ipagkakatiwala higit sa kanino man." Natigilan ako. Nakakalaki ng bilib ko sa sarili ko sa pagbibigay tiwala sa akin ni tito Ace. Pero.. kaya ko ba ang panindigan ang pagkakakilala nito sa akin? Dahil sa hinihingi nito. Hindi lamang ang pagiging kapatid ko kay Acer ang ibig nitong ipahiwatig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD