CLIFF VILLAGE. Kinabukasan, maagang gumising ang grupo nina Laxus para sa pagpunta na nila sa swordsmith ng Region 2. Mabilisan nga silang kumain ng agahan at pagkatapos ay naghanda na kaagad sila sa pagbaba sa burol na kinatatayuan ng village na iyon. Ang daanan nila ay isang Teleporting Circle na naroon lamang sa labas at dadalhin sila nito sa ibaba, sa harapan ng Dai Gum River. Maririnig nga sa paligid ang malakas na agos ng tubig na nagmumula roon. Sa paglitaw nila sa ibaba ay tumambad nga sa kanila ang may kalaparang ilog at makikitang ang alon dito ay kakaiba. Makikitang mahina ang agos sa gitna na halos kalmado na kung pagmamasdan, habang sa magkabilang gilid naman nito ang may mabilis at rumaragasa na tubig na kung saan ay may mga naglalakihang bato pa nga na makikita. Sinubukan