NAGULAT si Karen nang paggising niya kinagabihan ay si Serron ang namulatan niya na nakaupo sa sofa sa gawi ng pinto. “Hi!” nakangiting bati nito. Iginala niya ang paningin sa paligid. “Si Trivor?” aniya. “Umalis na siya. May trabaho pa kasi siya.” Hindi na siya umimik. Naiisip na naman niya ang huling pag-uusap nila ni Trivor. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” mamaya’y tanong ni Serron. Binalingan niya itong muli ng tingin. “Medyo bumubuti na,” nakangiti nang tugon niya. “Ang sabi ng doktor y puwede ka na raw lumabas bukas. Puwede ka na raw sa bahay magpagaling nang tuluyan,” anito. “Mabuti naman. Gusto ko nang umuwi.” “Pero kapag nasa bahay ka na, hindi ka pa rin puwedeng lumabas. Nurse ka kaya alam mo ‘yan.” Ngumisi siya. “Oo, at salamat sa pagbabantay sa akin. Pati ikaw naabal