Chapter 12

2836 Words

PUMITLAG si Karen nang marahas na iwaksi ni Trivor ang kamay niya. May bakas pa rin ng galit sa mukha nito nang harapin siya nito. Hindi pa rin niya lubos maunawaan bakit umuusok ito sa galit kanina. Inakala niya na dahil lang sa tangkang pagkagat sa kanya ni Serron ang ikinagalit nito, at nais lamang siyang protektahan pero nagulat siya nang igiit nito na hinalikan siya ni Serron. Aminado siyang natakot siya nang mag-anyong bampira si Serron dahil marahil sa nalanghap nitong dugo niya. Pero hindi naman niyon naituloy ang tangkang pagkagat sa kanya. Mabilis namang na-control ni Serron ang sarili. Katunayan ay lalayo na sana iyon sa kanya pero biglang dumating si Trivor at binanatan na ito ng suntok. Hindi niya inaasahan ang hakbang na iyon ni Trivor. “Hindi na kita maintindihan, Trivor.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD