Trenta minutos bago ang insidenteng iyon. Natunugan ni Don Eliazar ang pagdating ng mga sundalo dahil narinig nito ang tunog ng sasakyan, alam niyang hindi nagmula sa kanyang mga kasamahan dahil wala namang sasakyan ang mga ito. Natiyak lamang niya na sundalo nga ang mga iyon nang mapadako sa may barangay hall at mahuli ang ilan pa niyang mga tauhan na nasa may likuran lang ng Barangay Hall. Agad siyang nagkubli sa isang malaking drum na hindi aakalain ng kahit na sino na may tao doon kahit hirap na hirap siya at hinang-hina na ay nagawa pa rin niyang mailigtas ang kanyang sarili. Nang matiyak niya na wala ng mga sundalo sa paligid agad siyang lumabas sa pinagtataguan at minabuting lumabas na lamang ng mismong Barangay Hall. Napansin niya ang mga niyog na mataas sa may harapan ng bara