May kadiliman man sa daan ay mabilis siyang tumakbo pabalik sa bahay nina kapitan Rab. Natitiyak niya na papatayin din ito ng mga tauhan ito ni Don Eliazar kapag hindi niya ito nagawang alisin sa bahay nito. Kahit magkandarapa siya dahil napapatama sa mga tuod na kanyang natatapakan ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo, madadapa pero tatakbong muli. Hindi niya mapapahintulutang mapahamak si Kapitan Rab lalo pa at alam niya na wala naman talaga itong alam kung nasaan ang antidote. Walang ibang nakakaalam niyon kundi siya lamang. Kung iyon ang natatanging paraan para maubos ang galamay ni Don Eliazar dapat lamang na hindi iyon matagpuan ng mga ito para makaligtas din silang lahat. Mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo ng matanaw na niya ang bahay ni kapitan Rab. Siguradong mahihirapan