Kabanata 42

1643 Words

Ilang minuto pa lamang silang nakakapahinga sa dalampasigan ay nagulantang na lamang sila ng biglang makarinig sila ng mga putok ng baril. "Patungo na sila dito!" Sigaw ng isa nilang kasamahan. Mukhang nasa burol na nga ang mga ito, ibigsabihin sina Dindo at Popong ang nakasagupa ng mga tauhan ni Don Eliazar. Agad siyang tumayo at tumakbo pabalik ng burol. Narinig pa niya ang pagsigaw ng kanyang ina pero hindi na niya iyon pinansin kailangan siya ng dalawa nilang kasamahan. Iyon nga ang sinasabi niya, ayaw sana niyang sumama sa dalampasigan dahil nag-aalala siya para sa dalawa. Abot-abot ang kanyang pagdarasal na sana ay okay lamang ang mga ito. Kung bakit naman kasi madaling araw na eh wala pa rin ang tulong mula sa gobyerno. Hinihiling niya na sana ay ligtas ang grupo ng kanyang I

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD