NAGISING si Olivia dahil sa naramdaman niyang paglundo ng kamang kinahihigaan niya. Mukha ni Val ang nakikita niya na nakadukwang sa kanya. “Good morning, my queen!” nakangiting bati nito sa kanya. Dagli siyang umupo nang maalala ang mga naganap. Wala pa rin siyang saplot sa katawan. Tinakpan lamang niya ng kumot ang dibdib niya. “Kailangan mo pa bang itago sa akin ‘yan? Come on, you don’t have to hide because I owned your body and your soul,” sabi nito. “Magpaliwanag ka sa akin, Val,” aniya sa matigas na tinig. “Yeah, I know. You deserved my explanations. But before that, I’m sorry if I hide some secrets. Actually, you’re the only person except my mother who knows my dark secret. I’m not a normal creation, Olive. I’m a human descendant of my father. Baka hindi ka maniniwala kung sasa