PAGKATAPOS ng hapunan ay sinamahan siya ni Val sa basement ng bahay niya para hanapin ang pyramid na sinasabi nito. Hinalungkat niya ang mga gamit ng nanay niya. “Sigurado ka bang dito mo nailagay ang pyramid?” tanong ni Val habang sinusuyod ang bawat sulok ng basement. “Oo. Hindi ko iyon inilabas dito.” Nang iangat niya ang sako ng mga laruan ay natagpuan niya sa wakas ang pyramid sa ilalim niyon. “Nakita ko na!” aniya. Mabilis na lumapit sa kanya si Val. Mabigat ang pyramid na may roong kalahating kilo o mahigit. Kasing lapad iyon ng palad niya. “Thanks we found it,” wika nito na tila nakadama ng ginhawa. “Paano nagkaroon nito ang nanay ko?” tanong niya. “Maaring may paranormal expert na nagbigay nito sa kanya. Unang ginawa ang pyramid sa Rome. Hanggang sa nagkaroon ito ng maram