HINATID lang ni Val si Olivia sa Rexy restaurant saka siya dumeretso sa opisina ng agency. Nagtataka siya bakit Mommy niya ang nakaupo sa tapat ng office table ng Daddy niya. “Where’s Dad, Mom?” ‘takang tanong niya. “Nagpapahinga siya sa bahay. Hindi maganda ang pakiramdam niya,” sagot nito habang abala ito sa pagtipa sa laptop. Inilapag niya ang bag niya sa mesang katabi ng table ng Daddy niya. Mainit ang pakiramdam niya kaya naghubad siya ng jacket. “I started to investigate about Olivia De Queno,” sabi ng Mommy niya. Nawindang siya. “What? Why do you need to do that? Are you insulting my capacity to choose a woman, Mom?” iretableng usig niya sa kanyang ina. Matiim na tinitigan siya ng kanyang ina. “Look, she’s a daughter of a famous psychic before. Base sa impormasyong nasagap ko,