Chapter 19

2593 Words

PAGKATAPOS ng duty ni Olivia ay dumeretso siya sa bahay niya. Naglaba siya ng uniporme niya. Pagkatapos ay bumaba siya sa basement at hinalungkat ang mga nakatagong kagamitan ng nanay niya. Simula noong namatay ang nanay niya ay hindi na niya pinakialaman ang mga lumang gamit nito na inilagay ng Tito niya sa malaking maleta at ipinasok sa lumang aparador. Naitago pa niya ang susi ng aparador at maleta. Nang mabuksan ang aparador ay hinila niya palabas ang maleta. Kinakalawang na ang kandado. Mabuti nabuksan pa rin iyon ng susi. Ang alam niya doon nakalagay ang mga lumang litrato at ibang libro ng nanay niya maging lumang gamit nito sa paggagamot nito sa mga nasasapian ng masamang elemento. Kinuha niya ang logbook ng nanay niya. Naalala niya. Doon nito inililista noon ang pangalan ng mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD