BINALEWALA ni Olivia ang nangyari sa pagitan nila ni Val kahit pakiramdam niya’y binuhusan siya ng malamig na tubig. Kinuha niya ang librong binabasa ni Val. Tungkol sa batas ang libro. Ayaw talaga niya ng ganoong paksa. Nang buklatin niya ang libro ay may nahulog na litrato na nakaipit sa libro. Wallet size ang litrato. Pinulot niya ito at tinitigang maigi. Nakita niya sa litrato ang young version ni Val kasama ang pamilyar na babae na matangkad ng tatlong dangkal kay Val. Hindi siya mapakali, tinitigan niya ng malapitan ang babae. Pamilyar talaga ito sa kanya. “Bakit titig na titig ka sa litrato?” Kumislot siya at kamuntik na niyang mabitawan ang libro dahil sa biglang pagsalita ni Val. Umupo itong muli sa tabi niya. “Uhm, ikaw ‘tong bata, ‘di ba?” aniya. “Oo. Seven years old ako riy