TAHIMIK si Olivia habang lulan na sila ng kotse ni Val. Tinatahak na nila ang malawak na kalye pauwi sa bahay niya. Kanina pa niya napapansin ang madilim na kalangitan. Mukhang uulan. Saktong nasa gitna sila ng madilim na kalye nang bumuhos ang malakas na ulan. “Naku, naloko na. Alanganin naman ang ulan,” ani Val. “Wala ka bang payong?” tanong niya. “Wala. Okay lang.” “Nang bumilis ang takbo ng sasakyan ay saktong pagtingin niya sa harapan nila ay namataan niya ang babaeng nakatayo sa gitna ng kalye. “Val!” sigaw niya sabay palo sa braso ni Val. Nagulat si Val at naikabig ang manibela paiwas sa babae. Nang makalagpas na sila ay biglang namatay ang makina ng kotse. Naihinto ni Val ang sasakyan sa gilid ng kalsada. “s**t! Bakit ngayon pa?” maktol nito. Ayaw nang umandar ng makina. Hi