“DOC, ang kapatid ko!” Narinig ni Khara na sinabi ni Daimon sa Doctor nang pumasok ito loob ng kuwarto kasama ng mga nurse. Hindi naman siya mapalagay habang nakatingin kay Lander na walang malay. At si Daimon naman ay hindi mapakali sa kinatatayuan at panay ang paghilamos ng kamay sa mukha. Napailing ang doctor habang isinasagawa ng mga ito ang defibrillator. Bawat pagsambit ng doctor na clear bago ito i-pump ang dibdib ni Lander ay nagpa-flat naman ang linya sa ventilator machine. Hanggang sa tumunog na ang ventilator at tumigil na rin ang doctor sa ginagawa nito. “Time of death, 4:15 am.” Malungkot na deklarasyon ng doctor. Hindi na na-revive si Lander at tuluyan na itong namaalam. Lumuluha sa kanyang tabi si Daimon. Bumuhos naman ang kanyang luha sa mga mata. Habang nakatingin ka

