NARAMDAMAN ni Katarina ang mahinang paghaplos sa kanyang pisngi. Naalimpungatan siya sa kanyang mahimbing na pagkakatulog at bumaling kay Lander na nasa kanyang tabi. Nakangiti ito sa kanya. “Salamat.” Hinawakan ni Katarina nag kamay ni Lander na may dextrose. “Dapat ako ang masabi niyan sa iyo. Maraming salamat sa lahat. Sa pagpalaga at pagmamahal mo sa akin noon. Patawarin mo ako kung iniwan ko kayo ng anak natin, kung niloko kita at hindi na binalikan. Hindi ako nagsisisi na minahal kita, Lander. Totoong pagmamahal ang ibinigay ko sa iyo, kahit na alam kong hindi ka naman talaga sigurado sa nararamdaman mo para sa akin. Malaki ang naging kasalanan nating dalawa kay Ate Khara. At pinagdudusahan na nating dalawa ang bunga ng pagtataksil natin,” umiiyak na aniya rito. “Patawarin mo ako

