“Sumabay ka na sa akin pabalik ng Manila,” pag-anyaya ni Daimon kay Khara. Nasa labas sila ng bahay ni Tita Isabel at magkatabing umiinom ng kape sa ilalim ng punong mangga. “S-Sa bahay mo ba ako titira? Alam mo naman na hindi iyon p’wede,” mahinang sagot ni Khara sa kanya. “May nakita akong dormitory na p‘wede mong upahan. Malapit lang sa university na pinapasukan mo at para lang sa mga babae ang dormitory na iyon… kaya safe na safe ka.” Narinig niya ang pagbuga ng hangin ni Khara. Tumingin siya rito at saka huminga rin ng malalim. “Iniisip mo pa rin ba iyong sinabi ni Kuya Lander kanina?” Umiling naman ito at saka tumingin sa kanya. Hinaplos ni Khara ang kanyang pisngi. “Maraming salamat sa lahat-lahat. Hindi ko alam kung paano mababayaran lahat ng mga ginagawa mo para sa akin.” N

