“U-Ulitin mo nga iyong sinasabi mo, Levi?” nag-aalalang tanong ni Khara sa kabilang linya. Ala una na ng madaling araw ng ipinasya niyang buksan ang knayang cellphone at ang tawag ni Levi ang unang rumihestro sa kanyang cellphone. “Kanina pa kita kinokontak, ate. Naaksidente daw si Sir Daimon sa San Isidro, Tarlac. At ang sabi niya sa akin malala daw siya. Ate, alam ko nariyan ka rin sa Tarlac, ikaw na ang pumunta kay Sir Daimon. Baka hindi ka niya makontak kaya ako ang tinawagan niya dahil alam niyang kaibigan mo ako.” Kaagad niyang kinuha ang wallet sa kanyang bag at isinuksok iyon sa bulsa ng suot ng kanyang maikling maong short. “Pupunta na ako, Levi.” Pinindot niya ang end call sa cellphone niya at nagsuot ng white na crop top. Kakatapos lamang niyang maligo at nagbibihis siya nang

